Free Hugs Meet - Up Review

Best Meet Up. Sobrang, napakaibang experience yun. Kahit masakit ang likod ko at yung pagkatao ko, sumakit din. Grabe. Oh so saya lang. Successful ang meetup na ito para sakin. Medyo naiilang ako kasi, hindi ako sanay na yumakap. Pero, okay lang. Mga friends ko naman yung yinakap ko. 

Pero, ewan, may yumakap talaga sakin na, oh so kilig naman ang naramdaman ko. 

Ang daming pumunta. Napakafriendly ng mga nakausap ko. Ito yung araw na nakalimutan ko kahit saglit ang mga problema ko. Kahit na - bv salit, okay pa din ako. Mood swings. 

Overall, masaya ang event na ito. Walang malungkot. At sa nakita ko, wala namang na - OP.

Thank you sa mga organizers. Thank you sa lahat ng nakicooperate sa meetup na ito. Thank you sa mga nakausap ko. Thank you sa mga yumakap sakin kahit sobrang pawis na pawis na ako. Amoy ulam na ako.

Sana, maulit ang ganitong meetup. At sana, maging organizer din ako ng isang meetup, kahit isa lang. Makaexperience lang ako. 

Ito yung kahalagahan ng meetup. Ito yung main obective ng mga meetups. Yung magsama - sama tayong mga bloggers. Yung walang OP. Lahat talaga tayo, friends dito sa Tumblr. Well, hindi lahat. Halos lahat.

Salamat kay ohpatrick at sa isang organizer. Hindi ko kilala. Pasensya na.

Salamat na din sa MOA sa paghost ng meetup na ito. 

Well, ayun lang naman. Hindi ko maexplain kung gaano ako nag - enjoy sa meetup na ito. 

Basta, sa ganitong event, mararamdaman mo kung gaano ka - proud bilang isang Tumblrista. Bow.

Caption
Post Info
Notes: 21
  1. hungryhoooran reblogged this from lesswordsmoreactions and added:
    Thanks sa Photos, Earle! :D
  2. lesswordsmoreactions reblogged this from thenewmeiguess
  3. thenewmeiguess posted this